Welcome!

♥Praise and Worship♥

Tuesday, January 22, 2008

Belated Happy Birthday Maestro!



Smiles and laughter, joy and cheer
New happiness that stays throughout the year
Hope your birthday brings all these and more
Filling life with surprise and joys galore!


Belated Happy Birthday...



Kuya "MAESTRO" Vincent!!!

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin


Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin

Sa aking pagtanda,
unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,
huwag mo sana akong kagagalitan.

Maramdamin ang isang matanda.

Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko
at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo,
huwag mo naman sana akong sabihan
ng "binge!"
paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.


Pasensya ka na, anak.
Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko,
pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong
nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako
kung ako man ay
nagiging makulit
at paulit-ulit na parang sirang plaka.

Basta pakinggan mo nalang ako.
Huwag mo sana akong
Pagtatawanan
o pagsasawaang pakinggan.


Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo,
paulit-ulit mo 'yong sasabihin,

maghapon kang mangungulit
hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.

Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda, amoy lupa.

Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan,
huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kitang habulin

Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas,
ako'y masungit,

Dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo,kahit sandali lang.

Inip na ako sa bahay,maghapong nag-iisa.
Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka,
kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak,noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan
at intindihin
ang pautal-utal mong kwento
tungkol sa iyong teddy bear.


At kapag dumating ang sandali
na ako'y magkakasakit
at maratay
sa banig ng karamdaman,

huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana
kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,


Pagtyagaan mo sana akong alagaan
sa mga huling sandali ng aking buhay.

Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,
hawakan mo sana ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob
na harapin ang kamatayan.


At huwag kang mag-alala,
kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Written by
Rev. Fr. Ariel F. Robles

CWL Spiritual Director

St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

Sunday, November 25, 2007

Members